chismis


Ei, sagutan niyo friendtest ko: kz's friendtest

chismis no. 1

Katie Holmes and Tom Cruise are dating. Yeps, their reps have confirmed it and they were seen in a country sa Europe na nag-appear in public together, and take note, holding hands. Ang swerte ni Katie Holmes dahil pinatulan siya ni Tom Cruise. Imagine, Tom Cruise.






chismis no. 2 (actually totoo to)

tanggal na si Constantine. Yeps, ang "honey" at crush ng mga babae sa AI ay tanggal na. Ewan ko, pero malalaman mo talaga na isang pagkakamali at pangit na performance at this stage of the competition, pwede ka ng matanggal. Goodbye sa kanya.




chismis no. 3

Si Bo daw ay naaresto twice in the past four years  for cocaine possession. I dunno if that will affect his votes sa AI, pero it will surely make some of his fans think. Fan ako ni Bo pero wala akong pakialam sa past niya. Magaling pa rin siya.








keezay wrote something true at
Thursday, April 28, 2005 08:42 pm

call the deity




can this be love shit



punta po tayo sa engots.tk. may s po ito at bagong version ng ating pinakamamahal na engotfrums.

nanood kami ng Can This Be Love Kahapon. Manood kayo. Para naman malaman niyo kung gaano ka corny at ka-pangit.

Naasar lang ako. Sayang pera ko, diba Tonet?

Napanood ko ang trailer ng House of Wax. Gusto ko siyang panoorin. Yah, i know, another psycho thriller na naligaw sa year of the epic movies. Point is, andun si Chad Michael Murray.

Astig yung pagkagawa ng parang OBB niya or ano ba ang tawag dun?

Namimiss ko na siya.




keezay wrote something true at
Wednesday, April 27, 2005 07:12 pm

(2) believers prayed




all about Nicole


Vengeance is a lazy form of grief.

Just watched The Interpreterwith ES. Gusto ko siya pero di ko siya favorite. Ang ganda ni Nicole Kidman, kahit na nagkasugat-sugat na ang kanyang mukha, maganda pa rin siya. Pansinin niyo, halos sa bawat pelikula, nag-iiba siya ng accent. Sa movie na to, iba na naman. Some kind of South African. Ang ganda niyang pakinggan. Parang feeling ko bagay sa kanya lahat ng accent or kahit na anong language na pag-aaralan niya. Can you believe naiyak ako sa pelikula?

P.S. ang ganda na ng movie house sa sm.

Joke time.

Nalaman ko kahapon na ang blog ni Dohna ay Natalie Portman ang theme tapos pink pa. Hmmm... Sabi ni ES, may nag-request daw sa kanya. Isa sa amin. Sabi ko, AKO YUN!!!!!!

Opo, nagkapalit ang aming lay-out ni Dohna. Ano kayang gumugulo kay ES ngayon??






keezay wrote something true at
Wednesday, April 27, 2005 01:03 am

(1) believer prayed




relax


inspiration. Image hosted by Photobucket.com



keezay wrote something true at
Monday, April 25, 2005 07:33 pm

call the deity




being drunk


nahihilo pa rin ako. ang sarap kasi ng gin na hinalo sa pinaghalong grape at pomelo juice.

desperado ulit ako. gusto ko na ng ibang intern. hahay.

gumawa ako ng movie archive sa lahat ng mga napanood ko at nasa 300 plus pa lang ako. alam ko may ganito din si es pero di ko alam kung anogn format niya or something. pero grabe, feeling ko umabot na sa isang libo yung mga napanood ko. susunod, aayusin ko siya by genre. wala lang. nagpapakanerd.

napanood ko yung
WIMBLEDON . Astig ang OBB!!!!! yun lang. wala masyadong kwento yung movie pero ang galing ng cinematog at nung iba pang elements. parang yung commercial ng nescafe ice na parang animation. bumagay pa talaga yung music.

Musta na pala FOPC natin? sori di ako nakakatulong.



keezay wrote something true at
Sunday, April 24, 2005 04:53 am

(2) believers prayed




hay naku


Once again, salamt kay es sa blog ko.

alam niyo ba na ikinasal na si CHAD MICHAEL MURRAY kay SOPHIA BUSH!!!!! I hate it!!!!! Pero okay lang, may kapalit na siya sa buhay ko. Kung gusto niyong makakita ng kamukha ni Tom Cruise na mas matangkad, mas gwapo at mas bata.. si SEAN FARIS. Anyways, nanood kasi ako ng mga no brainer teen flick chuva para ma-relax at yun nanood ako ng sleepover. Shet talag! Gwapo!

May bago na pala tayong pope. This time, German. Pope Benedict 16 pero real name niya ay Cardinal Ratzinger. He's like 70 plus na so sinabi nila na magexpect ulit ng conclave in 10-20 years...

Tanggal na si Anwar. Kay Bo na lang ako. Hmmp.

hahaha 50 ako sa friendtest ni ayn. mas mataas ng konti kay es.. hahahha.

hay anyways, ayoko na sa tv style. ewan ko pero i dont feel fulfilled eh. gusto ko nang maghanap ng iba. i guess i really wanted to do production. sabi kasi, may bago silang editors kaya kelangan munang turuan nila un sa mga bagay-bagay tapos makikigulo pa kami. i hate it. tapos hate ko pa yung isang tao dun. napaka-whatever niya. basta. unhappy ako. halata ba?






keezay wrote something true at
Friday, April 22, 2005 12:25 am

(2) believers prayed




Summer Classes


hay naku. di pa ako tapos magbayad. sa tuesday pa. kasi naman...

may PI 100 pala ako. baka naman may nag PI sa inyo na 7-9 sa CAL new bldg para may kasama ako. good luck sakin no. 7-9 pasok ko tapos 10:30 yung work ko.

eto yung mga napanood ko na luma:
- Bulletproof monk (na obvious yung sfx)
- Italian Job (yung si Michael Caine pa (iba talaga yung kwento pero may mini coopers at gold pa rin.. ashtig.)
- War of the World ni HG Wells (yung black and white. hahaha.. ewan ko na lang. yung alien nila dun ay parang cobra na ginawang metal. kakasar pa yung babae dun kasi OA mag-react. nakakita lang ng dugo, nagwawala na)
- Sabrina ( I love audrey hepburn!)
- Vertigo ( kinda freaky kahit na luma siya- astig ang twist sa huli)

kaasar talaga si mam cornejo!!!!!

reminders pala es: yung template ko! salamat!!

yun lang, 12 noon na ako gumising pala kasi mga 2 na ako natulog dahil tumambay sa eastwood at nakipagchika pa.

musta na ojt niyo?



keezay wrote something true at
Sunday, April 17, 2005 03:47 am

(1) believer prayed




Nakakapagod Mag-Commute


alam niyo yung STEEP ni Nina? gustong-gusto ko yun kaya lang di ko memoruze. isang araw ilalagay ko lyrics niya dito.

alam niyo ba na nakumbinsi ako ni Icang na magbikini? huwag kayong matakot dahil magt-tshirt naman ako kasi alam ko rin na kakainin ng bilbil ko ang swimsuit ko. at dahil dun, na-encourage akong mag-exercise kaya bumili ako ng exercise video sa national. how desperate!

enrollment na bukas. buti na lang at nang di ako kelangan gumising ng maaga.

sabi ko kay jerwin, ipagda-drive ko siya kaso di ako marunong. hahay, gusto kong magdriving lessons kaso nga, la akong oras dahilsa internship. siguro sa sem break or kung kelan ako libre. kelan kaya yun?

first day of internship - feeling ko nagkaleche-leche na buhay ko. hahaha... tanginang commute yan!!!! pagdating ko sa lrt, shet late ang train ng 2 min kaya ang daming tao. pagdating ko sa mrt, buong metro manila ata ang sumakay sa cubao at pangsampung tren na ang nasakyan ko. 8:45, nasa mrt pa ako. dumating akong tv style 9:30. nung pauwi na. shet ang traffic sa ayala ave. ewan ko. papangit talaga ako paginiisip ko yung mga yan. kaya nagdadaydream na lang ako habang nasa fx, nakangiti pa ako, nabubuo pa yung panaginip ko. heynaku.

form of relaxation after a hard days work: manood ng movie sa pc. eto ang mga napananood ko: FIRST DAUGHTER - ewan, parang chaing liberty pero ang ganda ni katie holmes dito. BRIDGET JONES 2 - nakakatawa at i love colin firth at HLA ito... KUNG FU HUSTLE - hahahahahahahhahahahahahahhaha. ALADDIN - ang gwapo pala ni aladdin bilang isang cartoons diba? ang ganda pa ng boses niya at na-realize ko na memorize ko pala siya hanggang ngayon. GHOSTS - a new way to look at things pag may nakikita kang bagay na gumagalaw. hehehe.. pero napakamushy talaga ng kanta...NOW THAT I HAVE YOU - kinilig ako !!!!!! hahahahahhahaha

i now remember my john lloyd cruz days. naalala ko pa nung ni-launch siya sa asap sa star circle at kasama niya sa trio si baron geisler at mark solis. siya pa yung pinaka-gwapo nun. tapos pinapanood ko pa siya sa palibhasa lalaki. mas payat pa siya nun at parati siyang naka-sumbrero. may commercial din siya dati na inaabangan ko, yung sa nabisco or rebisco. basta yun. idol na idol ko siya nun. nung nanood ako ng now that i have you, napilitan akong magreminisce. hehehhe...

EI!!! PWEDE NA PALA KAYONG TAG PERO NASA LINKS KO SIYA. CLICK NIYO NIYONG "DITO NA LANG KAYONG PAGPOST" TAGBOARD YUN...

salamat. sori mahaba.



keezay wrote something true at
Wednesday, April 13, 2005 08:01 am

call the deity




Previous Page

 

Closer
kizay
film major
katipunan/cdo
UP Diliman
short, sweet, smart.


Free Zone

Where The Heart Is
<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


Anywhere But Here



cheenee summer princess
yayam cute
yoshke break my law
pungay ace's desk
ayn she who is bitter
cinema got film?
tonette ilaya
ayeesha fairytale machine
klara come undone
leo survivor
nikko chinita magnet
irene wanna have fun




The Wanderings of
THE MOON DEITY

All Rights Reserved 2005






rss feed
Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




layout and design by
PYKAN YOSHKE DIMEN
Break My Law
 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Blogdrive