|
Ilang araw na lang, birtdey ko na. Di ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot dahil sa wakas, ay bente na ako at wala na ako sa teen stage at mas dadami aking mga responsibilidad sa buhay. Minsan, in denial pa ako kashi ayoko pang maging 20 at dahil sa bente na nga ako, iisipin ko na ang aking future dahil ito na pala ang sinasabi ko nung grade school pa ako na "ten years from now..." Pero minsan, excited dahil feeling ko rin dati na ang 19 ay stuck in between sa 18 at 20. 18, debut mo. Pero, mas malaya ka pag twenty ka na kasi nga di ka na -teen. Ewan, di ko pa alam. Marami pa kong gustong gawin ngayong 19 pa ako pero feeling ko mawawala lahat yun at mag-iiba dahil tatanda na naman ako ng isang taon. *** Since May na, naisip ko din na maglagay ng picture of the week. Kahit anong kabaliwan lang ito, pakyut or seryoso or kahit pangit pero ako pipili ng picture ng kahit sino. Wala lang. Gusto ko lang maglagay ng picture. Next week ako magsisimula. *** JOKES GALORE MESSAGE NUMBER 1 A boy was caught in the act undressing his girlfriend. The girl's dad said: "Punyeta, anong ginagawa niyo?" Boy and girl replied: "Nagbubura ng kalawang...!" MESSAGE NUMBER 2 May isang langgam... Yun lang.. Gusto mo ba dalawa? Sige, may dalawang langgam. MESSAGE NUMBER 3 Kagabi sa aking panaginip... Akoy may narinig... Isang mala-anghel na tinig.. Kaw pala'y umaawit.. Gusto ko sanang i-tape.. I-tape ang yung BIBIG THE END... |