Entry: soulmate Tuesday, May 10, 2005



Listening to: Stand by Me by Ben King

I just thought na lagyan ko ng portions ang aking entries kasi di naman ako naglalagay ng sobrang serious stuff unless kelangan ko talaga siyang ilabas at sabihin.

***

Just watched Godsend last night.

Synopsis: May dalawang mag-asawa na may anak. Masaya sila kaso namatay yung anak nila kaya na-depress yung asawa. Ayaw niya ng ibang anak kundi yung namatay. Nilapitan sila ng isang doctor na genetic chuva tapos eventually pumayag sila na i-clone yung namatay na anak. Masaya sila for 8 years hanggang nag-iiba na ugali ng anak. Turns out na hinaluan pala siya ng genes na galing sa anak ng doctor na namatay dati kaya medyo wierd yung naalala niya. Nagkaroon tuloy ng double personality yung bata at tinangka niyang patayin yung nanay niya. Basta sa huli, lumipat sila ng bahay, sinumbong yung doctor (pero di na nahanap), at dumaan sa therapy yung bata. Akala nila tapos na pero hina-haunt pa rin yung bata sa kanyang other personality.

My rating:

technical: 6/10 Malinis ang pagkakagawa and napakita naman ng cinematography ang mood nung film.

story: 6/10 Not good, not bad. Interesting enough to make you sit throught it kaso pumapalya pa rin. Open ended din yung ending niya.

acting aspect: 6/10 Convincing pero kulang.

Overall: 6


***

Current love: Chinese noodles na binebenta sa 7-11 or sa grocery

Mura lang siya at mas masarap yung noodles at yung flavor.  Kaso lang, masyado siyang maanghang as in pagpapawisan ka at tutulo sipon mo. Pero masarap at nakakabusog. Di ko nga maubos yung isang cup or serving kasi malaki siya at di ko rin kayang i-endure yung anghang.

***

Trivia:

Ang buong pangalan ni Josephine Bracken ay Marie Josephine Leopoldine McBride Bracken. (For that, mag PI na kayo.)

Naka-discver si Rizal ng specie ng "flying dragon" (parang lizard) kaya scientific name nun ay Draco Rizali.

***

Life, etc.

Oh well. Meron akong inaangking soulmate. Hehehe. Nakikita ko kasi siya everywhere. First time ko siyang makita sa mcdo katips pa yun. Magkatabi pa yung table namin. Tapos sa harap ng Prince David. Nakaksalubong ko pa siya. Nakikita ko talaga siya everywhere. Gwapo, matangkad, maputi at siya pala ay kapatid ni Maxine Magallona. :)

   3 comments

miglena
August 25, 2005   08:53 AM PDT
 
good page http://www.g888.com
kz
May 12, 2005   04:07 AM PDT
 
ah, ganun ba.. hehehehe.. sori..
yoshke
May 11, 2005   02:52 AM PDT
 
ang singular form ng species ay species pa rin...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments